no boundaries♥


Bambi|15|Filipina|Senior

She has the right to be loved.
She deserves the sun.
She makes mistakes. She eats a lot. She is insensitive. She has fat fingers and big hands. She is imperfect, but she is perfectly loved by God.

free counters

You're queries are welcome :]

BABS.

Wala akong katalent talent pagdating sa pagblog, pero gagalingan ko para sayo. Ang tagal ko na ring gustong gumawa ng blog tungkol sayo. Gusto ko kasing malaman nila na mahal kita ng sobra sobra at makilala ka pa ng lubus lubusan. ECHOS.

Siguro bilang sa daliri kung ilang buwan pa lang tayo naging close. Yung close talaga ah..yung as in super super as in. Hindi ko talaga alam kung pano at bakit ka dumating sa buhay ko. Magkaibang magkaiba tayo ng paguugali pero isa lang ang tiyak na magkapareho..kalibugan. De joke lang. 

Ang naaalala kong pagkakakilala natin ay nung second year pa tayo, wala ako sa PSD noon eh. Nakilala kita sa plurk kasi kaibigan ko ex mo. Gusto ko lang malaman mo na nung simula pa lang, ang gaan na ng pakiramdam ko sayo. Basta, pagbalik ko sa PSD ng third year ni isang pagkakataon yata hindi tayo nagpansinan…kahit hi o hello. Dumating ang bakasyon, napadalas yata ang pagattend mo ng YFC activities (huwaw!). Naaalala ko pa nung nanonood tayo ng RIO…dun kita nakausap ulit. EH KASI. ANG CUTE NAMAN KASI NG BOSES MO. Pagkatapos natin mag-usap hindi ung usapan ung naalala ko…yung tunog ng boses mo. Tapos ayun, hanggang sa mag Confirmation…hindi kita iniwan kasi alam kong naOP ka nung mga oras na yon…Tapos dumating na ang pasukan, noong mga unang araw..1st quarter hi hello lang.. tapos nagkaroon ng practices for NC. AYON. Nagpapasalamat ako kasi dumating yung araw na yun. Siguro kung di nangyari yon, hindi ikaw ang kasama ko halos araw araw ngayon. 

Babs, mahal kita! Sabi ko naman sayo kahit saglit lang tayo nagkakilanlan at nagkasama, importante ka sa akin. Mahal kaya kita! Huwag kang mag-alala, kahit na talikuran ka nila, nandito lang ako…sumusuporta sayo. Kahit na marami akong kaibigan.(mmm, sigi) alam mo naman na…hindi kita kayang ipagpalit. NO NO NEVAAR. Sabi ko naman sayo, kapag umiyak ka, handang handa ‘tong maging water bed para sayo. Napatunayan ko naman sayo yun diba? Tsaka kapag masaya ka, handa rin ‘tong maging punching bag mo. Ayokong masira pagkakaibigan natin ng kahit sino o ano..labs kita! Tsaka, kilalang kilala na kita… at gusto pa kitang kilalanin ng lubusan. Lahat yata ng dark secrets ko..alam mo na. Di ako nagtatago ng kahit ano sayo..kasi ang laki ng tiwala ko sayo. I love you so much Babs! nandito lang ako para sayo, tandaan mo yan. itaga mo sa bato. peksman :*

  1. herecomesme posted this