no boundaries♥


Bambi|15|Filipina|Senior

She has the right to be loved.
She deserves the sun.
She makes mistakes. She eats a lot. She is insensitive. She has fat fingers and big hands. She is imperfect, but she is perfectly loved by God.

free counters

You're queries are welcome :]

November 22, 2011

Wow, ilang buwan na rin pala ang nakalipas simula nung mga araw na masaya pa ako….tayo. Ibang iba ka na ngayon. Ako rin, sa tingin ko nagbago na rin ako. Wala lang kasi akong magawa kasi hindi pa ako inaantok kaya nagbasa na lang ako ng mga paguusap natin noon. Ibang iba pala talaga tayo mag-usap noon? di ko sukat akalain na ganon pala tayo noon bago mangyari ang lahat. Gusto ko lang malaman mo na masaya ako para sayo ngayon. Kung ano man ang natamo mo ngayon, dahil yon sa sarili mong pagsisikap. Sana ipagpatuloy mo yan. Siguro nga, mas nakabuti sa’yo yung wala ako sa buhay mo bilang espesyal na kaibigan, kasi ang laki ng pinagbago mo at ang dami mong nagawa. Gusto kong kunin ang pagkakataong ito na magpasalamat sa’yo..kahit na alam kong hindi mo naman ‘to mababasa. Una sa lahat, salamat dahil nandiyan ka bilang kaibigan ko at nagmamahal/nagmahal sa akin. Sayo ko naramdaman yung sinasabi nilang ‘tunay na pagmamahal’ kahit napakaikli lang ng panahon na ibinigay sa atin. Kahit papano, napatunayan mong karapat dapat ka sa pagmamahal ng isang babae. Salamat din dahil inalagaan mo ako. Pinakita mo talaga kung pano itinatrato ang mga babae. Salamat sa pagpapasensya, sa pagkain, sa oras, sa pagmamahal, sa mga regalo…salamat sa lahat!Gusto kong malaman mo na natakot ako noon. Natakot ako dahil baka isang araw, mawala ka na lang bigla..na kahit paulit ulit mong sinasabi sa akin na hindi mo ako iniwan, ayon..nangyari pa rin ang kinatatakutan ko. Sobrang sakit. Sobra lang. Marami ka kasing iniwan sa akin eh. Di rin kita masisisi..kasi lahat naman tayo napapagod maghintay. Salamat sa lahat! Patawad na rin kung nasaktan kita sa kahit anong paraan….

Siguro, dito na talaga magtatapos ang lahat. Nagising na rin ako sa katotohanan na, hindi pa ito ang tamang oras. Marami pang sakit ang mararamdaman ko, mo. Marami pang pagdadaanan. Kung pagtagpuin man tayo ulit…hindi ko na palalampasin ang oportunidad na iyon. Salamat sa lahat ng pait, ng sakit, ng problema na ibinigay mo..kung hindi dahil dun..hindi ako magiging matatag ngayon..hindi ako ang Bambi na nakikita ng mga tao ngayon, hindi ako matututo magpatawad at higit sa lahat hindi ako matututo magmahal. Sadyang nagtatapos lang talaga ang mga bagay bagay dito sa mundo. Oras na para sa panibagong kabanata ng buhay ko…isang kabanata na puno ng saya, pagmamahal at pagpapahalaga sa mga taong nandiyan sa tabi ko..nagmamahal sa akin.

Hanggang dito na lamang, salamat kaibigan! Sana mahanap mo ang tunay mong kasiyahan. :’)

-Bambi